gfxgfx
 
Please login or register.

Login with username, password and session length
 
gfx gfx
gfxgfx
 
SMF - Just Installed!
 
gfx gfx
gfx
45 Posts in 13 Topics by 8 Members - Latest Member: inzekto September 04, 2010, 04:47:32 PM
*
gfx* Home Forum Login Register gfx
gfx
Buhay Noypi Forum  |  KULTURANG PINOY  |  PAG-IBIG AT IBA PA  |  A Jeepney Love Story
gfx
gfxgfx
 

Author Topic: A Jeepney Love Story  (Read 441 times)

Firefly

  • Administrator
  • MAMAMAYAN
  • *****
  • Posts: 24
  • Points: 59572 Points
  • Country: 00
  • Karma: +1/-0
  • Alitaptap
  • Referrals: 0
A Jeepney Love Story
« on: July 26, 2010, 10:47:57 PM »
Napanood ko ang isang short film ni marcelo titled jeepney..

Hindi ko maiwasang mapangiti at biglang bumalik ang mga ala ala sa aking buhay pag ibig..
Umusbong ang pag ibig sa munti kong puso ng ako ay nasa ikalawang taon sa kolehiyo..
Highschool.. crush crush lang pero ang masasabi kong tunay ay ung nasa college ako..

Pang hapon ang schedule ko nun.. 2 pm to 8 pm
Mga 1 pm ang labas ko sa kalsada para mag abang ng jeep papasok..
That was Monday.. 1st day of the week..
Pagsakay ko.. abot ko agad ang pamasahe ko..

Inabot ito ng babaeng estudyante ring kagaya ko sa unibersidad na pinapasukan ko..
Suot nya ang tag ng aming kurso..
Ngitian ko at nagpasalamat..
Pagdating sa babaan.. sumakay ng padyak
Hinahabol ng aking tingin habang ako ay naglalakad

3rd subject ko ng ipakilala ng teacher namin ang isang irregular student..
napangiti akong bigla.. magiging classmate ko pa pala sya..
( block section kami nun. iisa ang room. )
pero dahil irregular.. madali syang nawawala pagkatapos ng subject namin.
kaya hindi ako nagkaron ng chance na makausap at makilala sya..

Martes.. 1:30 na hindi pa ako nakakasakay ng jeep dahil laging puno..
Bago kasi dumaan ang jeep sa barangay namin.. mga 5 barangay pa ang daraanan nito..
At ng may paparating na isa pa.. sumenyas ako ng sabit dahil male late na ko.. ( isabit ang kamay sa hangin )
Huminto ang jeep at agad kong ipinaabot ulit ang bayad..

Laking gulat ko ng sya ulit ang umabot..
napatangiti na naman ako..
tingnan mo nga naman...
kanina pa ko na uunsyami dahil ma la late na ko..
pero heto ako ngaun.. parang baliw na ngi ngiti ngiti habang nakasabit sa jeep

Pagdating sa babaan. takbo agad ako dahil 10 minutes na lang e 1st subject ko na..
Nawalan tuloy ako ng chance na makausap sya
pero di bale.. Mamaya.. lalapitan ko na sya
ngunit pagdating ng subject namin ...wala sya..

Wednesday.. 12pm pa lang nasa labas nako para mag abang ng jeep.
at ang nakakatawa.. ang daming jeep na bumubusina para isakay ako..
pero sa hindi malamang dahilan.. di ako sumasakay..
kinakantyawan ko ang sarili ko sa nangyayari..
para akong luko luko na kinakausap ang sarili na sana wala sya dun at nakasakay sya sa kung anong jeep ang paparahin ko..
para namang alam ko kung andun ulit ang babaeng un..

12:45 pumara na ako.. pag panhik ko sa jeep.. andun nga sya..
ang lakas ng kaba ko sa dibdib pero dahil pangatlong beses na..
iba na to..nagkataon nagatagpo na to..
dahil sa maluwag pa ang jeep...tinabihan ko sya..

pagtingin nya sa akin..
"IKAW  NA NAMAN" sabay tawa..
OO sabi ko. ako nga ulit. paabot ulit ng bayad..
at sabay sabing..
Mark ang pangalan ko..
Napangiti sya.. Maribel naman ako..

Itutuloy...   :D
« Last Edit: July 27, 2010, 12:39:45 AM by Firefly »

Firefly

  • Administrator
  • MAMAMAYAN
  • *****
  • Posts: 24
  • Points: 59572 Points
  • Country: 00
  • Karma: +1/-0
  • Alitaptap
  • Referrals: 0
A Jeepney Love Story part 2
« Reply #1 on: July 28, 2010, 12:45:35 AM »
Anong year at course mo ang tanong nya.. habang inaabot nya ang aking sukli.
accounting ang major ko.. at salamat ulit. ang sagot ko..
parehas pala tayo sabi naman nya.. irregular nga lang ako.. transferee ako eh
alam ko ang sabi ko sa kanya.. sabay ngiti...

pano mo nalaman.. manghang tanong nya.
Classmate kasi kita sa Accounting Subject..
Huh?? hindi nga.. bat di kita nakikita..aniya
E nasa harapan ka at nasa may likuran naman ako.. saka ang bilis mong mawala after ng klase.
ang paliwanag ko..
Mukhang inaabangan mo talaga ako ah. sabay tawa nya..
Kiming ngiti na lang ang aking naisagot..

Pagbaba namin.. inaya na nya akong mag padyak. mainit daw kasi..
( gustuhin ko man.. wala sa budget ko ang padyak ) sayang din ang 5 piso pang meryenda.
sabi ko na lang.. me dadaanan pa kasi ako sa internet cafe..mauna ka na..
Ok sige aniya.. mamaya na lang ulit..

Hindi maipaliwanag ang tuwa na nararamdaman ko. para akong nakalutang sa ere ng mga oras na yun
Naging ka close ko agad ang babaeng nakakasabay ko sa jeep..
Sa buong klase ko ng araw na yun.. ganadong ganado ako..
Madami ang nagtaka sa mga kaibigan ko..
at ng dumating ang major subject namin..
inabangan ko syang pumasok at muli, sumilay sa aking mga labi ang ngiti ng sya ay aking makita

Tukso ang inabot ko sa mga kaibigan pagsapit ng break time..
Tirador daw pala ako ng irregular.
Hiyawan at tawanan ang lahat.
Hindi ko alam pero feeling ko.. namula ako,
Ikaw ba ba naman ang kantyawan ka sa loob ng skul canteen?
pero ang saya saya ko.
ganito pala ang ma inlove..
ang gaan gaan ng feeling ika nga ng isang kanta..


Pagdating ng gabi.. hindi ako halos makatulog dahil sa aking nararamdaman..
Ganun pala yun. Tinamaan na nga yata talaga ako...
Para akong tanga na nakangiti habang nakahiga sa aking kama..
Sanay tanghali na..
Wala pang Cell Phone nun kaya walang ibang way na makita o makausap syang muli kundi kinabukasan..
Nakakatawa man.. umasa akong makakasabay syang muli sa jeep.

Huwebes.. 12 pa lang ng tanghali e naka bihis na ko.. para akong tanga na paikot ikot sa harapan ng salamin.. pangiti ngiti..
nag gel pa ako ( tig pisong nabibili sa tindahan )
wet look pa..

gaya ng nakaraang araw.. para na naman akong tanga na nananalangin at umaasang sana..
sa paparahin kong jeep ay nandoon sya..
ng makausap at makatabi o makasakay syang muli.
sinamahan pa ng dasal na.. Lord.. kung ito ay para sa akin.. andito sya sa jeep na paparating..

Pikit matang pinara ko ang jeep..
ang lakas ng kabang nadarama ko habang papanhik at nag hahanap ng mauupuan
at para naman talagang nagbibiro ang pagkakataon..
andun nga sya..

banat agad ako.. IKAW NA NAMAN ULIT... ANO BA YAN..
sabay dagdag ng.. ANO TO.. NAGKATAON NAGKATAGPO...
Tipid na ngiti naman ang kanyang sagot..

itutuloy...

rosaljim

  • Global Moderator
  • MAMAMAYAN
  • *****
  • Posts: 8
  • Points: 6279 Points
  • Country: ph
  • Karma: +0/-0
  • Referrals: 0
Re: A Jeepney Love Story
« Reply #2 on: July 28, 2010, 07:57:47 AM »
hehehee! sige lang admin Firefly..... maganda ang plot ng love story mo at kaiga-igayang basahin. conventional kasi ang setting eh, sa jeepney lang pero masaya.

regaluhan na kaya kita ng karma para ganahan ka pa.... eto saluhin sapuin!..... toink!

Mega

  • Administrator
  • MAMAMAYAN
  • *****
  • Posts: 4
  • Points: 1997 Points
  • Karma: +0/-0
  • Referrals: 0
Re: A Jeepney Love Story
« Reply #3 on: July 28, 2010, 11:01:52 AM »
bitin..  ;D

asan na kasunod?

ang blog naging nobela..

thanks for sharing..  ;D

Firefly

  • Administrator
  • MAMAMAYAN
  • *****
  • Posts: 24
  • Points: 59572 Points
  • Country: 00
  • Karma: +1/-0
  • Alitaptap
  • Referrals: 0
Re: A Jeepney Love Story
« Reply #4 on: July 29, 2010, 06:02:48 AM »
salamat sir rosal..

mare.. eto na kasunod :d



tawa lang sya.. kulit ko daw pala..
Sa aming pag uusap.
Nalaman ko na taga lipat barangay lang pala sya ( 2 barangay ang pagitan sa barangay namin)
At alam ko ang lugar nila.. ( malapit sila sa basketball court na dinadayo namin tuwing linggo para maglaro )
May nabuong balak sa aking isipan.. dadalawin ko sya sa sunday.

Pagdating ng subject namin..
wala ang prof kaya nagkaron ako ng pagkakataong makausap sya ng matagal..
major subject = 3 hours... 
sa isang taong umuusbong ang pag ibig.. napakahaba na ng 3 oras..

niyaya ko sya sa canteen.. para mag snack..
sumama naman sya.basta ba daw ako ang taya
napaisip akong bigla.. pag ito nilibre ko..
bukas.. ala na akong allowance..
pero di bale .. busog naman ang puso ko.  :D

kulitan.. tawanan..
parang close na close kami at matagal ng magkakilala.
Sa bawat topic na pag uusapan namin, walang katapusang diskusyunan..
walang gustong magpatalo

Sa pangyayaring ito..Lalo akong humanga sa kanya.
me sense kausap at magaling ding mamilosopo..
Palabiro at magaling sumakay sa mga biro
lahat ng karakter na hinahanap ko sa isang babae..
Wala na talaga,, hulog na ang loob ko sa kanya..
tutuo na to.. umiibig na ako sa kanya.
walang alinlangan.. im inlove with her...

simula noon, araw araw ko syang inaabangan sya sa jeep
na aking paparahin.
At sa di maipaliwanag na dahilan..
Mula lunes hanggang Byernes, isama mo pa ang sabado ( sabado is PE, umaga 10 am)
Lalo kong napatunayan na sya na talaga ang binigay sa akin ng tadhana
Hindi na ito aksidente or nagkataon lang

Tadhana na ang nagdala at nagbigay sa akin..
Hindi pa ba ako gagawa ng paraan para maging akin?
kailangan ko ng kumilos baka makawala pa
at sa lalong madaling panahon...

ito ang mga pumapasok sa aking isipan..

O ito lang ang gusto kong pumasok at isipin?

itutuloy

lilydale

  • MAMAMAYAN
  • *
  • Posts: 3
  • Points: 3611 Points
  • Karma: +0/-0
  • Referrals: 0
Re: A Jeepney Love Story
« Reply #5 on: July 31, 2010, 07:37:56 AM »
ang ganda naman sir firefly ang iyong topic hindi nakakasawang basahin hehe...
sa dalawang magkaibigan o magkakilala pag kayoy magkasama at naguusap
at masaya kayong dalawa madedevelop ka rin talaga sir at yan pa naman ang pinakamahirap kalimutan .nangyari na rin kc sa akin sir when i was still in my college life ,naging
bf ko din sya dahil gaya ng sabi mo usap-usap,magkasama ,nagtatawagan pa .pag-
katapos paano naman di mahuhulog ang loob mo kung ganun di ba ?toto yan
thanks for sharing sir sa love story mo pero bitin naman ituloy nyo na po.
+k para sa iyo sir for your nice story.
 

Firefly

  • Administrator
  • MAMAMAYAN
  • *****
  • Posts: 24
  • Points: 59572 Points
  • Country: 00
  • Karma: +1/-0
  • Alitaptap
  • Referrals: 0
Re: A Jeepney Love Story
« Reply #6 on: August 03, 2010, 02:47:09 AM »
Sunday ng mga 7:30 ng nakarating kami sa dinadayo naming basketball court.
( sakay kami ng 2 tricycle.. 8 - 10 players )
Habang naglalaro ang mga kasama ko, nagpaalam ako na may hahanapin lang akong kaibigan
sa likod ng chapel.

Madali naman itong mahanap, blue gate, cream naman ang pintura ng pader
Sumilip ako sa gate pero walang tao
wala pang doorbell non kayat mapipilitan akong tawagin sya
May 2 minuto na akong natakayo at nakasilip ng biglang magkahulan ang kanilang mga aso.

Kasabay nito ang paglapit ng isang batang babae.
Sino po hanap nila?  aniya
Me hinahanap kasi akong kaklase ko ang sagot ko.
Sabi nya kasi sa likod ng chapel lang bahay nila
Maribel ang name nya.. ang paliwanag ko

Ah si Tita bel po pala.
Ano po pangalan nyo?
Pakisabi si mark.. classmate nya..

teka lang po at tatawagin ko
sabay takbong papapasok ng bahay.
Makalipas ang mga 3 minuto,hayun na nga sya..
Nakangiti habang papalapit sa gate.

Oh.. Bat andito ka. anong ginagawa mo dito? mabilis na tanong nya..
Ah wala naman. nandyan kasi kami sa court,naglalaro..
naisipan kong silipin ka kung tutuong dito nga bahay mo.. sagot ko naman
baka kasi binibiro mo lang ako.. biro kong sagot sa kanya

At bakit naman kita bibiruin e dito naman talaga ako nakatira..
Halika sa loob, pasok ka. alok nya sa akin..
Hindi na.. Masyadong maaga pa para umakyat ng ligaw ang pabirong sagot ko..Hindi naman ako intsik..
ok lang yan.. mukha ka naman e. patawang sagot nya.

nangiti akong umalis sa bahay nila sabay sabing seryoso ako.. babalik ako..
edi bumalik ka. dito lang naman ako.
ang sarap pala talaga ng pakiramdam ng in love ka..
nawala lahat ng pagod ko


Pagdating ng hapon, gumayak ako para bumalik sa bahay nila.
sa unang pagkakataon, 1 oras yata ako sa banyo.
paikot ikot sa harapan ng salamin.
hindi ko malaman kung anong style ng buhok ang gagawin ko.

6 pm.. nasa harapan ulit ako ng bahay nila.
magkahalong tuwa at kaba ang nararamdaman ko habang nag aantay ako sa kanyang lumabas
tuwa dahil makikita ko na naman sya
kaba dahil sa dami ng asong tumatahol

akala ko.. nagbibiro ka. seryoso ka pala.
pasimula nya.
kahit kenkoy ako madalas, seryoso ako pagdating sa yo.. pangiting sagot ko
tara na nga sa loob, baka kagatin ka pa ng mga aso.. anyaya nya
oo nga eh. mukhang gusto nila akong ulamin..

Ulila na pala sya sa ina, habang ang tatay nya ay nasa saudi
Panganay sa 5 magkakapatid, nakakatuwang isipin,
halos parehas kami ng pinagdaanang mga problema at pagsubok
talagang pinagtagpo ng pagkakataon
upang maging sandigan ang bawat isa

sa maikling oras na kausap ko sya, lalong nadagdagan ang paghanga
at pagmamahal na sumisibol sa aking puso
nakita ko na ang babaeng mamahalin ko
at makakasama sa habang buhay

9 pm na ng sabihin nyang gabi na.
at may pasok pa kami kinabukasan
ayaw ko man ay napilitan akong umuwi at nagpaalam
at sabing magkikita kami ulit bukas sa jeep
tingnan natin.. sabay tapik sa aking balikat..
ingat sila sa iyo.. hehehehe







Firefly

  • Administrator
  • MAMAMAYAN
  • *****
  • Posts: 24
  • Points: 59572 Points
  • Country: 00
  • Karma: +1/-0
  • Alitaptap
  • Referrals: 0
Re: A Jeepney Love Story
« Reply #7 on: August 11, 2010, 04:28:00 AM »
nakauwi na ako ng bahay pero ang ngiti ko..
abot tenga pa rin
daig ko pa ang nakatira ng isang boteng rugby..
hanggang sa aking pag tulog..
wala pagsidlan ang tuwa at galak na aking nararamdaman..

hindi ko alam kung anong oras ako nakatulog pero pag gising ko..
ang gaan gaan ng pakiramdam ko.. ( daig ko pa ang nag sunsilk.. ang gaan gaan ng feeling ) commercial.. :D
lahat ng iutos sa akin, walang palya kong sinusunod..
ang sarap palang main love..

11 am pa lang nakaligo na ako at nakabihis.
paikot ikot sa salamin habang inuusal na sana ay makasabay ko sya ulit sa jeep
pinum puno ako ng paniniwala dahil alam kong
tadhana ang nag lapit sa aming dalawa

12:30 pm. abang na ako ng jeep..
30 minutes na ang nakalipas pero nag aalangan pa rin akong pumara.
deep inside, gusto kong makasabay sya araw araw
( tinitest ko pa rin ang tadhana at pagkakataon )
at dahil malelate na ko, pinara ko na ang sumunod na jeep

sa kasamaang palad, wala sya.
nanghina ang buo kong katawan na parang binugbog
lungkot at pagkabalisa ang bumalot sa aking katauhan
nagkataon lang talaga ang mga pangyayari

inabangan ko sya sa subject namin ngunit late syang dumating
at dali dali syang umalis pagkatapos nito
naiwan akong nagtataka at naguguluhan
hindi ko maipaliwanag ang mga nangyayari

bakit ganon, bakit ganito..
madaming tanong na bumabalot sa aking isipan..
nag hahanap ng kasagutan
ano ba talaga..

lumipas ang isang lingo na ganun ang set up namin
papasok sya ng late.. at aalis agad
parang biglang gumuho ang mundo ko ng mga panahong yon
ni ayaw ko ng pumasok dahil sa sakit na nararamdaman ko

lingo ng hapon.. pinuntahan ko sya sa kanila
5 minuto na akong kinakahulan ng mga aso bago sya lumabas
kita ko sa kanyang mukha ang lungkot
pinapasok naman nya ako

"sorry".. panimula nya.

rosaljim

  • Global Moderator
  • MAMAMAYAN
  • *****
  • Posts: 8
  • Points: 6279 Points
  • Country: ph
  • Karma: +0/-0
  • Referrals: 0
Re: A Jeepney Love Story
« Reply #8 on: August 11, 2010, 10:16:05 AM »
ahaa! mukha yatang hindi maganda ang pangitain ni Mark ke Maribel..... hehehee!

Mega

  • Administrator
  • MAMAMAYAN
  • *****
  • Posts: 4
  • Points: 1997 Points
  • Karma: +0/-0
  • Referrals: 0
Re: A Jeepney Love Story
« Reply #9 on: August 13, 2010, 06:40:18 AM »
baka naturn off na si maribel hahaha

tuloy ang kwento ... bitin pa rin  :D

Firefly

  • Administrator
  • MAMAMAYAN
  • *****
  • Posts: 24
  • Points: 59572 Points
  • Country: 00
  • Karma: +1/-0
  • Alitaptap
  • Referrals: 0
Re: A Jeepney Love Story
« Reply #10 on: August 15, 2010, 10:11:15 PM »
"sorry".. panimula nya.
ha? saan? gulat na sagot ko.
"sa lahat.. pati na ang pagdating ko sa buhay mo" aniya
ano ka ba.. mabilis na sagot ko.
nagpapasalamat nga ako at dumating ka
masaya ako pag kasama kita.. patuloy ko

"ano bang nangyari? me nagawa ba ako? bakit nagkaganito?"
last week lang ay ang saya saya natin
tapos nitong nakaraang 5 araw, parang iniiwasan mo ako.. sunod sunod na tanong ko
hindi sya kumikibo pero ramdam ko ang lungkot sa kanyang mga mata
gusto ko syang yakapin pero wala akong lakas ng loob na gawin un

Aaminin ko, gusto kita..
sa maiksing panahong nagkakilala tayo..
nahuhulog ang loob
masaya ako pag kasama kita..

pero kailangan kong pigilan ito
kailangang mawala
sinadya kong iwasan ka para
dahil kailangan kong ihanda ang sarili ko..

bakit? ang gulat at di makapaniwalang sagot ko..
parehas naman tau ng nararamdaman
bakit kinakailangan pang pigilan
gaya mo.. napakasaya ko kapag magkasama tayo..

aalis na ko ng pinas
tatapusin ko na lang ang sem na to..
susunod na ko kay ama
mahirap.. pero kailangan kong gawin..

ayaw kong magkaroon ng alalahanin sa aking pag alis
sana ay maintindihan mo
alam kong masakit
kaya't akoy humihingi ng tawad..

Hindi ko alam kung paano ako nakauwi
o kung paano natapos ang aming usapan
lumulutang ang aking kaisipan
manhid ang buong katawan

kung ganong saya ang naramdaman ko noon..
ganung sakit din ang nararamdaman ko sa mga oras na yon
ang sakit.. ang sakit sakit..
parang ayaw ko ng mabuhay pa...

Mega

  • Administrator
  • MAMAMAYAN
  • *****
  • Posts: 4
  • Points: 1997 Points
  • Karma: +0/-0
  • Referrals: 0
Re: A Jeepney Love Story
« Reply #11 on: August 18, 2010, 11:53:26 PM »
aba.. ganon talaga pag nagmahal kahit masakit kailangan tanggapin.. diyan tayo tumitibay sa bawat sakit na nalalagpasan natin.

Kalungkot naman pero... nakaya mo kaya nga buhay ka pa eh hehehe

tapos na ba o tuloy ang kwento?

wait mode  ;)

Buhay Noypi Forum  |  KULTURANG PINOY  |  PAG-IBIG AT IBA PA  |  A Jeepney Love Story
 


gfxgfx
gfx gfx
Powered by MySQL Powered by PHP Valid XHTML 1.0! Valid CSS!