gfxgfx
 
Please login or register.

Login with username, password and session length
 
gfx gfx
gfxgfx
 
SMF - Just Installed!
 
gfx gfx
gfx
45 Posts in 13 Topics by 8 Members - Latest Member: inzekto September 04, 2010, 04:43:57 PM
*
gfx* Home Forum Login Register gfx
gfx
Buhay Noypi Forum  |  KULTURANG PINOY  |  SA GANANG AKIN  |  Sabong at Buhay
gfx
gfxgfx
 

Author Topic: Sabong at Buhay  (Read 210 times)

Firefly

  • Administrator
  • MAMAMAYAN
  • *****
  • Posts: 24
  • Points: 59572 Points
  • Country: 00
  • Karma: +1/-0
  • Alitaptap
  • Referrals: 0
Sabong at Buhay
« on: July 27, 2010, 12:38:54 AM »
Sabong at Buhay


Sa lahat ng sugal na aking namulatan..
Ewan ko ba kung bakit nakahiligan ko ang sabong
Dahil na rin siguro sa 50 - 50 ang chance na mananalo ka
Right or Left.. Lyamado o Dehado..
Sa Pula 0 sa Puti..
2 lang ang pag pipilian..
Pero minsan.. napakahirap gawin. Madalas.. sumasablay ka..

Minsan nananalo.. Minsan natatalo..
Minsan namay natatakot tumaya dahil ayaw matalo.
Ngunit pag ang iba ang nanalo.. inggit ang dumarating
nakakatawang isipin.. nasa sabungan ka pero ayaw mong tumaya..

Parang buhay..
Tama at mali.. Oo o Hindi..
Mga simpleng desisyon... pero madalas.. napakahirap gawin
Alam mo na nga ang dapat gawin.. pero hindi mo pa rin ginagawa

Pinipili mo pang maging safe ka kesa sumugal at mag take risk
pagdating ng dapithapon.. paano kaya naman ang tanong..
Paano kaya kung lumapit ako sa kanya?
Paano kaya kung nagtapat ako sa kanya?
Paano kaya kung naglakas loob ako?
Daming paano.. di naman kumikilos
Nakakatawang nakakatuwa..

Kailangan lang ng lakas ng loob para humarap sa mga hamon ng buhay
Madalas, tayo ay naduduwag sa maaaring maging resulta ng ating mga gagawin
Subalit hindi naman maganda yung sugod ng sugod
Kailangan mo rin namang ihanda ang sarili mo

Time, Money, Effort.. ang lahat ng ito ay sangkap
na iyong kakailanganin upang marating ang kung ano mang pangarap
Kaya ngayon pa lang.. Maghanda na..

Parang sa sabong, hindi ka naman basta basta tataya..
Kung hindi mo alam ang iyong tinatayaan
Kailangan mo munang alamin ang may ari, anong lahi, etc.. etc..
Gawin mo lang ang nararapat at naaayon..
malay mo.. manalo ka...

cedrick62

  • MAMAMAYAN
  • *
  • Posts: 5
  • Points: 11283 Points
  • Karma: +0/-0
  • Referrals: 0
Re: Sabong at Buhay
« Reply #1 on: July 31, 2010, 05:08:13 AM »
Ok ito. Di ko na matandaan ang mga lessons namin sa English. Ito ba ay allegory? Metaphor?
Tama ka. Pero kung minsan di natin maiwasan ang "sugal" ng buhay.
Halimbawa ang pag abroad. Di naman natin tiyak kung anong buhay meron tayo pagdating sa ibang bansa pero susuungin pa rin natin para lang sa ating pamilya at kinabukasan.
Ang pag-aasawa, di rin natin tiyak kung ano ang kalagayan ng magiging pamilya natin pero sumusugod pa rin tayo dahil sa pagmamahal at pag-ibig.
Ang pagnegosyo. Di natin tiyak kung lalago ang ating puhunan pero pinapasok pa rin natin sa pag-asang uunlad ang ating buhay at makatulong sa kapwa.
Kaya sa "sugal" ng buhay, laban tayo kung may pag-asang mababanaag. Bawi naman kung alam natin kabiguan ang ating tinatahak.

Salamat sa yo Fayar Flay.

rosaljim

  • Global Moderator
  • MAMAMAYAN
  • *****
  • Posts: 8
  • Points: 6279 Points
  • Country: ph
  • Karma: +0/-0
  • Referrals: 0
Re: Sabong at Buhay
« Reply #2 on: August 11, 2010, 10:47:20 AM »
yes, tama ka sir cedrick.... i think this writing of sir firefly is a combination of allegory and metaphor..... and i fully agree that life in this world is purely gambling..... you could end up loser or winner.

but to metaphorize it further, some say that you always win a gamble bet if you are a professional gambler.

ehemplo:

ang mga propesyunal daw na manunugal ay nagbabaon lang daw ng certain halaga limitado sa kaya niyang ipatalo sa sugalan. at kapag nagkataon na natalo kaagad ay iiwanan na niya ang sugalan.

on the other hand, kung yung baon daw niyang halaga ay naipanalo na niya ng doble ay ganun din, iiwanan na niya ang sugalan.

ganun din ang buhay.... kung talunan ka sa isang dako, you must leave and find another opportunity..... malay mo nga, makapanalo ka sa susunod, at doble pa.

Buhay Noypi Forum  |  KULTURANG PINOY  |  SA GANANG AKIN  |  Sabong at Buhay
 


gfxgfx
gfx gfx
Powered by MySQL Powered by PHP Valid XHTML 1.0! Valid CSS!