gfxgfx
 
Please login or register.

Login with username, password and session length
 
gfx gfx
gfxgfx
 
SMF - Just Installed!
 
gfx gfx
gfx
45 Posts in 13 Topics by 8 Members - Latest Member: inzekto September 04, 2010, 04:44:26 PM
*
gfx* Home Forum Login Register gfx
gfx
Buhay Noypi Forum  |  KULTURANG PINOY  |  SA GANANG AKIN  |  Pangarap..
gfx
gfxgfx
 

Author Topic: Pangarap..  (Read 180 times)

Firefly

  • Administrator
  • MAMAMAYAN
  • *****
  • Posts: 24
  • Points: 59572 Points
  • Country: 00
  • Karma: +1/-0
  • Alitaptap
  • Referrals: 0
Pangarap..
« on: July 28, 2010, 01:02:08 PM »
Pangarap ko. Pangarap mo. Pangarap natin..

Sino ba naman ang taong walang pangarap.. mayaman man o mahirap. Lahat tayo ay nangangarap. Maliit man o malaki..

Ito kasi ang nagbibigay ng lakas, ng pag asa.

Ito rin ang nagsisilbing inspirasyon para sa bawat isa upang magpatuloy sa hamon ng buhay.

Magandang bahay, magarang kotse. Maayos na pamilya. Tahimik na buhay.

Iilan lang sa mga pangarap na sa tingin ko ay pangarap ng nakararami.

Isa na ako dun.

Maraming mga pagsubok na dumating sa ating buhay. Unang una na ang kahirapan. Pera. At kung ano ano pa.

Subalit ako, hindi ko ito hinayaang maging hadlang para sa aking mga pangarap.

Nagtyaga, Nagsakripisyo...

Nadapa. Maraming beses.

Ngunit bumabangon. Minsan nga ay gumagapang na lang upang ipagpatuloy ang laban para sa aking mga pangarap.

May nakamit. Meron ding hindi. Pero hindi ako tumigil na mangarap.

Dahil para sa akin,kapag tumigil ka ng mangarap, para ka na ring namatay.

Sa tulong ng pamilya, mga kaibigan, unti unti kong aabutin ang aking mga pangarap.


Sabi nga ng isang kanta…

Libre lang mangarap.. walang kang utang.. wala kang babayaran…

Ngunit kung wala ka namang gagawin para sa mga pangarap na to, kung sumuko ka na lang sa mga pagsubok, hinding hindi mo makakamit o matatamasa ang bunga ng tagumpay …

Isa pang kanta ang tumatak sa aking isipan..

Mangarap ka… mangarap ka.. Umahon ka. Umahon. Ang langit ay naghihintay say o…


rosaljim

  • Global Moderator
  • MAMAMAYAN
  • *****
  • Posts: 8
  • Points: 6279 Points
  • Country: ph
  • Karma: +0/-0
  • Referrals: 0
Re: Pangarap..
« Reply #1 on: August 11, 2010, 10:51:44 AM »
i agree..... walang labis walang kulang!

Buhay Noypi Forum  |  KULTURANG PINOY  |  SA GANANG AKIN  |  Pangarap..
 


gfxgfx
gfx gfx
Powered by MySQL Powered by PHP Valid XHTML 1.0! Valid CSS!