Madalas kong mabasa sa mga libro ang talatang ito...
Create a goal and strive hard to meet it...
Kung iisipin mo.. parang napakadali eh.. pero ang hirap palang abutin ang mga pangarap.. matinding sakripisyo madalas ang kailangan para marating mo ang mga bagay na iyong pinlano..
Madalas, pumapasok ang inip.. ang pagkasuya.. ang inggit.. then frustrations will follow...
Dahil sa hindi mo malamang dahilan... hindi mo maabot abot ang mga bagay na pinapangarap mo..
Minsan talaga o sadya ba talagang mahiwaga ang buhay ng tao.. hindi mo alam kung anong mangyayari bukas..
Kahit na ikaw pa ang pinaka magaling magplano ng dapat at hindi dapat gawin sa buhay mo..
Minsan.. dumarating pa rin tayo sa puntong gusto mo ng sumuko...
Pero huwag kaibigan...
Magpatuloy ka lang.. pasasaan bat darating din ang araw na mapapasa iyo ang mga bagay na ito..
Samahan mo lang lagi ng dasal upang bigyan ka pa ng lakas para mapag daanan ang mga bagay na ito..
Sa bandang huli.. alam kong sisilay din ang ngiti sa iyong mga labi...